Cheerfulness and Friendliness: The Two Filipino Values We Can Bring on Hive

avatar

Hello, everyone this is my first tagalog article pero ang ironic lang kasi sinimulan ko agad sa wikang Ingles 😂. Medyo nasanay na kasi ang kuya nyo na pag formal writings, English ang ginagamit pero pag mga informal at conversational, Tagalog naman. Mapapansin nyo naman siguro ngayon na medyo informal at parang nakikipag-usap lang ako sa inyo. Mas sanay kasi ako makipag communicate pag sariling linggwahe ang ginagamit. Unlike pag iba, feeling ko limitado lang yung kaya kong sabihin. Di naman kasi ako pwedeng mag imbento ng sariling english phrase or idioms para lang maiexpress yung nararamdaman ko. Baka ma-istress lang ang mga afam na makakabasa hahaha.

jove-duero-kf3dLxBql6U-unsplash.jpg

Photo by Jove Duero on Unsplash

Pagsapit ng buwan ng Agosto, ating ginugunita ang Buwan ng Wika. Tayo’y nagpupugay at nagbibigay ng pahalaga sa ating wikang kinalakihan dito sa Pilipinas. Kung wala tayong sariling wika, mas maraming hindi magkakaintindihan at mas lalong magwawatak-watak ang ating bansa. Hiwalay-hiwalay na yung mga isla sa Pilipinas tapos magiging hadlang pa ang linggwahe. Isipin nyo nalang kung anong mangyayari.

Ang wika din ang naglalaman ng kultura at tradisyon ng isang bansa, at ito’y nagbabago habang lumilipas ang panahon. Naalala nyo pa ba ang jejemon era na kung saan binabawasan at dinadagdagan ang mga letra ng salita? Kahit na medyo non-sense ang dahilan kung bakit nila ‘to ginagawa, nakakadagdag daw ito sa pagiging cool at pagiging maangas ng kanilang typography.

“h3llow pHowz?”

Nauso din ang mga bekimon. Nakakalibang pa nga sila panuorin dahil parang nakakagawa na sila ng sariling lenggwahe na sila-sila lang din ang nakakaintindi. All althrough out the years naaadapt na din natin yung ibang terms nila.

“charot lang keribels ko yarn.”

Language evolves overtime at hindi yan mangyayari kung hindi natin ito nagagamit palagi. Isa siguro itong patunay na ang mga Pilipino ay madadaldal na nilalang. Tumingin lamang kayo sa labas ng inyong mga tahanan at may makikita kayong mga chismosang nagkukumpulan. Siguro thru exchange of language lang nila nakakamit yung entertainment at saya na hinahanap nila.

linkedin-sales-solutions-IjkIOe-2fF4-unsplash (1).jpg

Photo by LinkedIn Sales Solutions on Unsplash

Pero sa kabila ng chismisan at pagpapalit-palit ng kuro-kuro ay may mga nabubuong pagkakaibigan. Isa na siguro ‘to sa values ng mga Filipino — ang pagiging palakaibigan at pagiging masiyahin.

Likas sa ating mga Pilipino ang maging palangiti. Sabi nga nila kahit anong dagok ang tumama sa atin, may mga Pinoy pa ring ngingiti. This makes us one of the resilient people in the world. And by smiling we can pass the good vibes to others. Nakakahawa nga daw yung pagiging masiyahin natin.

Pag masiyahin ang isang tao, expected na sa kanya na lapitin din sya ng kaibigan. Sino ba namang nilalang ang may gusto makihalubilo sa taong laging nakabunsangot. Hindi ba’t parang nakakahawa yung negative aura na dala nila? So given na palangiti ang mga pinoy, hindi na tayo nahihirapan na makipag kaibigan sa ibang tao. Kapag bumabati nga tayo, isang tango at ngiti okay na. Tapos pag nakikipag usap, hahaluan lang natin ng kaunting humor para mas maging komportable ang usapan.

omar-lopez-770jbAj_wvQ-unsplash.jpg

Photo by Omar Lopez on Unsplash

Sa tingin ko, ang dalawang values na ‘to ang maiaambag ng mga Pilipino dito sa Hive. Although, marami pa tayong magagandang values na tinataglay, ito yung sa tingin kong mas magpapayabong pa sa platform na ‘to.

Imagine a social media site without any user interaction, do you think it will be enjoyable?

Ganto rin sa Hive. Kung puro lang post ng blogs at walang interaction na nagaganap, mabilis itong pagsasawaan at iiwanan ng tao. Parang nagbabasa ka lang ng libro, at kung puro yon ang ginagawa mo, talagang mabobored ka.

sinitta-leunen-PQ6UA7SSAJs-unsplash.jpg

Photo by Sinitta Leunen on Unsplash

Dito papasok yung dalawang values ng Pinoy — yung pagiging masiyahin at palakaibigan. Dahil nga nasa dugo na natin yon, effortless nating nadadala sa Hive yung gantong pag-uugali. Sa comment section nga lang kahit foreigner pa yan, game na game tayong nakikipag interact sa kanila. Tapos minsan hinahaluan natin ng kaunting ice breaker para hindi sila makaramdam ng awkwardness.

Kung mapupuno ng gantong Filipino values ang Hive, mas magiging masaya itong tambayan at pagbahagian ng mga kwento mo sa buhay. Sa gantong uri ng komunidad na napapaligiran ng masasaya at friendly na tao, pakiramdam mo hindi ka nag-iisa at laging may makikinig sayo.

Kung naiintindihan nga lang ng mga foreigners ‘to, iaadvice ko sa kanilang paligiran nila ng Pilipino ang buhay nila. Sa Discord nga lang namin hindi na nauubusan ng chika, for sure marami pa kaming reserba.

So yun lang. Dito ko na rin tatapusin ‘to. Nakakatuwa nga na mas lumalaki pa yung Filipino community dito sa Hive. With this, I feel that Hive will be more enjoyable than ever.

Fin.


You can also read my other articles....

Reach me on:
read.cash | noise.cash | Telegram | Twitter



0
0
0.000
19 comments
avatar

Palakaibigan talaga ang isa sa values na madadala natin dito sa hive.

0
0
0.000
avatar

Napakahusay! Magandang katangian ng mga Pilipino ang pagiging masiyahan at pala kaibigan. Sa tingin ko kung magtataglay ang bawat isang Hivers, magiging mas masaya ang blockchain.

0
0
0.000
avatar

Maraming salamat sa iyong komento :)). Tama ka na kung lahat ay magtataglay ng gantong katangian, mas magiging masaya ang blockchain

0
0
0.000
avatar

marites yarn?

True to that Filipinos are known to be friendly and talkative.

0
0
0.000
avatar

Hail to all marites! hahaha

0
0
0.000
avatar

Imagine a social media site without any user interaction, do you think it will be enjoyable?

This^. Engagement is the key!

0
0
0.000
avatar

Agree :)). That's also what Sir Adamada said

0
0
0.000
avatar

Trueee! Likas na sa mga Pinoy na palakaibigan. Kahit introvert nga in real life, madaldal pa rin online 😅
I’m actually happy to see more Filipinos are joining here in Hive. Nawa’y maging marami pa tayo dito

0
0
0.000
avatar

More Filipinos to comee! hahaha

0
0
0.000
avatar

invite the whole barangay na yan hahaha

0
0
0.000
avatar

hahaha! I am also on the way to create a new generation of Filipinos 😏, charot

0
0
0.000
avatar

Masayahin talaga ang mga Pinoy. Kahit sa gitna ng kalamidad nakukuha pa rin nating ngumiti :)

0
0
0.000
avatar

Omsim, hahaha. Minsan nga naaabuso na din yung ganto kasi ginagamit sya ng ibang lgu upang di gandahan ang serbisyo nila. Iniisip nila na kaya naman ng mga Pilipino yan hahahaha

0
0
0.000
avatar

Di talaga mawawala ang may masasamang pag uugali lol!

0
0
0.000
avatar

Baka ma-istress lang ang mga afam na makakabasa hahaha.

Putik... tawang tawa ako!

feel ko like na kita talga. haha

Keep it up!

0
0
0.000
avatar

hahaha maraming salamat po! Pasensya na po kung medyo late reply. Magkaiba po kasi timeline ng Cebu sa Cavite, chos hahaha

0
0
0.000
avatar

HAHAHHAHAHAA. WOW. para nman magkaibang bansa tayo.

0
0
0.000