MCGI Cares Hive Community | ANG BAGONG REPLEKSYON TUNGKOL SA "Kailan masasabi na ikaw ay Subok na?" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Isang maligayang pagbati sa ating lahat dito sa ating pinakamamahal na community at sa lahat ng mga admins at membro na nagbabahagi ng mga repleksyon mula sa mga aral ng Dios na ibinabahagi dito sa MCGI Hive Cares Community.

Nitong linggo nga na ito ay medyo naging abala ako dahil kakatapus ko lang ipinagdiwang ang aking kaarawan kaya hindi ako nakagawa at nakabahagi ng aking repleksyon. Kaya sa araw na ito maligaya akong magbahagi muli ng aking repleksyon tungkol sa featured topic sa MCGI HIVE CARES COMMUNITY na merong title na, "Kailan masasabi na ikaw ay subok?".

Screenshot_20231019-182504.jpg

Habang tayo nga ay nandito pa sa mundong ito hindi natin maiiwasan ang mga pagsubok sa buhay lalong lalo na sa ating pananampalataya pero alalahanin natin na hindi tayo ang sumusubok sa ating pananampalataya dahil wala tayong karapatan o kaya na subukin ang ating pananampalataya kundi tanging ang Dios lang ang susubok sa ating pananampalataya.

Screenshot_20231019-184456.jpg

Hindi makakapagsabi sa ating sarili na kailangan nating subukin ang ating pananampalataya dahil parang tinutukso natin ang Dios sa ganitong pangyayari kung susubukin natin ang ating pananampalataya. Kung bakit ang Dios lang ang sumusubok sa atin dahil dito malalaman natin at mapatunayan na tayong believer o manampalataya sa Dios. Isang magandang bagay ito para sa atin dahil dito malalaman natin at mas maging matibay ang ating paniniwala at pananampalataya sa Dios.

Screenshot_20231019-184532.jpg

1 Corinto 1:7-8 β€œAno pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo; Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo."

Masasabi nating tayo ay subok na kung merong mga pagsubok na tayong kinakaharap ngayon at kung malalampasan natin ito, matitiyak natin na mas patitibayin tayo ng Dios. Ayon pa sa Salita ng Dios na, tuwing tayo ay sinusubok, tayo'y pinangakoan ng Dios na tayo'y kanyang papatibayin hanggang sa katapusan. Hindi dapat tayo mangamba o matakot dahil alam nating hinding hindi tayo iiwan o pababayaan ng Dios.

Screenshot_20231019-184713.jpg

1 Peter 1:7 β€œUpang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo:"

Masasabi nating isang malaking prebelihiyo na tayo ay sinusubok ng Dios sa ating pananampalataya dahil dito titibay tayo na bagamat maraming mga pagsubok sa ating mga buhay, nandiyan lang ang Dios tutulong sa atin. Susubukin tayo upang mapatunayan kung hanggang saan tayo sa pananampalataya at kahit na maraming mga problema man ay mananatili pa rin tayo.

Para sa aking pang huling repleksyon sa aral na ito. Malaking bagay na aking nalaman na isang magandang pagkakataon para sa atin na tayo sinusubok ng Dios dahil kung ihahambing natin sa pag-aaral mula sa pinaka mababa hanggang makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay, ganon din sa Dios dahil habang tayo ay sinusubok sa araw-araw at nakakaya natin itong lahat, titibay tayo hanggang sa pagpaahayag na ni Kristio Hesus na siyang hinahangad natin. Hanggang makakaya natin, tiisin natin ang kahit na ano mang pagsubok dahil tutulong ito para maging matibay tayo sa pananampalataya sa Dios.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Kailan masasabi na ikaw ay subok?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments