MCGI COMMUNITY | BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON : "Problema sa buhay, paano dapat lutasin" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Magandang araw sa ating lahat at malapit na tayo sa katapusan ng linggo at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ang linggng ito ay talagang napaka ganda kahit na nitong mga nakaraang araw ay nagkasakit ako ngunit naibalik ang aking kalusugan at binibigyan ako ng lakas na galing sa Dios.

Ngayon araw nga na ito masaya akong magbahagi muli ng panibagong repleksyon mula sa isa na namang topic na aking nakita at napakinggan habang ako ay nanunuod ng ilan sa mga video ng MCGI Cares YouTube Channel at ang nakakuha ng aking atensyon ay ito tungkol sa mga problema, ito ay merong title na "Problema sa buhay, paano dapat lutasin".

Isa nga na magandang pag-usapan sa aking palagay ay itong tungkol sa problema dahil sa tingin ko tayong lahat habang nandito pa tayo sa mundong ito ay na bubuhay na meron talagang problema, hindi na yan mawawala sa atin. Pero sa tanong kung paano natin ito lutasin, maraming mga bagay ang nabahagi mula kay Bro. Eli Soriano na masasabi kong nakaka tulong talaga sa atin.

Sa totoo lang hindi gumagawa ng problema ang Dios dahil tayo ang gumagawa ng ating sariling problema. Tayong lahat ay binigyan ng sariling pag-iisip at pagdesisyon dahil hindi tayo ginawa ng Dios na parang mga robot kung kaya ang nga problemang dumarating sa ating mga buhay ay dahil din sa atin, tayo ang gumagawa ng problema. Isang halimbawa na lang nito ay kapag alam nating bawal tayong kumain ng matamis dahil nakaka diabetes ito kumakain pa rin tayo kahit na alam natin bawal. Halos kinakain natin ang kahit na alam natin hindi pwede sa atin at kung meron nang problema saka lang hihinto pero huli na ang lahat.

Maraming mga pagkain na ginawa ang Dios na nakaka buti sa atin para mas gumanda ang ating pangangatawan pero mas pinipili pa rin natin ang mga bagay upang tayo ay masiyahan pero nakakasama sa atin at kapag meron ng mangyayaring masama saka lang hihinto kasi meron nang nararamdaman.

At kapag meron na tayong nararamdaman hindi ito gawa ng Dios kundi kagagawan nating mga tao. Kung susunod lang sana tayo sa Dios hindi tayo magkaka problema dahil bibigyan tayo ng Dios ng karunongan.

Maraming mga pagkakataon na hinahanda tayo ng Dios sa kahit na ano mang mga problema ang dumating sa atin. Kung ating bigyang halimbawa ang ating kalusugan.

Para hindi tayo magkasakit at magka problema ang Dios ay gumagawa ng season kung kailan ang tag-ani ng mga prutas na nakaka buti sa ating kalusugan at nakaka tulong sa ating mga sakit, hinding hindi tayo pababayaan ng Dios. Lagi tayong hinanda ng Dios na humarap sa buhay hindi Siya gumagawa ng problema kundi tayo ang gumawa ng problema.

Sa tanong kung bakit merong mga tao na reresolba nila ang kanilang mga problema at ang iba ay hindi na reresolba at kung minsan ay humantong sa pag suicide dahil siguro makitid ang kanilang mga isip at hindi sila humingi ng tulong sa iba, kinikimkim nilang mag isa ang mga problema nila at meron ding iba na natatakot sa katutuhanan na baka malaman ng iba.

Yong mga taong nagpapakamatay ay duwag silang harapin ang kanilang mga problema at nagpapasalamat lang din tayong mga Filipino dahil kahit na ano man ang mga problemang hinaharap natin ay binibigyan natin ito ng lunas, bihira na lang ang nagpapakamatay.

1 Corinto 10:13 β€œWala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito."

Para sa aking repleksyon tungkol sa topic na ito, sa totoo lang, sakaling meron mang mga problema ang darating sa atin ay hindi ito gawa ng Dios dahil tayo ang may gawa nito at hindi ito dumarating sa atin na hindi natin kaya. Marami mang mga problemag darting sa ating buhay handa ang Dios na tumulong sa atin at hindi Niya tayo pababayaan ni tatalikoran.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Problema sa buhay, paano dapat lutasin", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments