MCGI COMMUNITY | BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON : "Kahulugan ng Pagmamahal at Paglilingkod sa Kawpa" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Maligaya akong nandito na naman ako sa aking pagbabago ng aking repleksyon o mga natutunan mula sa mga Video nanaking nakita at narinig sa YouTube Channel ng MCGI Cares Community dahil talaga namang nakakatulong ito sa akin lalong lalo na sa aking pananampalataya at karagdagang aral mula sa Salita ng Dios.

Ngayon araw nga na ito ay sinimulan na naman natin ang bagong linggo at bagong topic ang aking narinig at nakita na naka kuha ng aking atensyon at ito ay meron title na, "Kahulugan ng Pagmamahal at Paglilingkod sa Kawpa". Marami na naman akong natutunan at sana basahin ninyo hanggang katapusan at sana meron din kayong matutunan.

Screenshot_20230904-202223.jpg

Alam natin kung gaano tayo kamahal ng Dios. Bagamat maring mga pagkakataon na tayo ay nagkakamali hinding hindi tayo pinababayaan ng Dios,at dahil iyon sa Kanyang pagmamahal sa atin.

Mateo 22:37-39 β€œAt sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili."

Ngayon dahil natanggap natin ang pagmamahal ng Dios sa atin, at kitang kita naman ito sa lahat ng Kanyang ibinigay sa atin sa araw-araw, para naman sa atin ay dapat lang din na tayo'y mag bigay ng pagmamahal sa Kanya tulad na lamang ng Salita ng Dios.

Ang unang utos ng Dios ay ibigin natin Siya ng buong puso, kaluluwa at buong isip. Subalit dahil hindi natin nakikita ang Dios o kaya ay nahahawakan hindi natin maibahagi ang Kanya ang pagmamahal natin kung kaya mainahagi lang natin ang ating pagmamahal sa Dios sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa tao bilang ito ang ikalawang utos ng Dios.

Screenshot_20230904-203402.jpg

Masasabi din natin na ang paglilingkod at pagmamahal sa ating kawpa tao ay, nagpapakita din ng ating pagsamba sa Dios.

Roma 12:1 β€œKaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba."
Roma 6:13 β€œAt huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios."

Kailangang ihandog natin ang ating mga sarili o buong pagkatao sa Dios at magagawa lamang natin ito kung tayoy tumutulong sa ating kapwa tao. Bilang ating pagmamahal sa Dios at ating pagpapakita ng pagsamba sa Kanya. Ihandog natin ang ating isip, salita, gawa at buong pagkatao sa Dios at dito tayo'y nagbibigay ng buong kantampatan o buong puso sa Dios.

Bilang aking repleksyon tungkol sa topic na ito, ang ating pagmamahal sa at Paglilingkod sa ating kapwa ay nagpapakita ng ating pagmamahal sa Dios bagamat hindi natin nakikita ang Dios, mapapakita natin ang ating pagmamahal sa Kanya sa pamamagitan ng ibang tao. Kung kaya, para sa akin huwag nating ihinto ang kung ano mang klaseng pagtulong ang ginagawa natin dahil ito rin ay isang paraan ng ating pagpapakita ng ating pagsamba sa Dios.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Kahulugan ng Pagmamahal at Paglilingkod sa Kawpa", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
2 comments
avatar

God willing, some day I will understand your language. But I trust your message has been a blessing.

0
0
0.000
avatar

Yes... Hopefully you can learn but I assure you it was to glory God alone. πŸ€—πŸ₯°

0
0
0.000