MCGI COMMUNITY | BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON : "Normal Bang Mainggit?" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Ngayong araw ay lunes at unang araw ng linggo kung saan sisimulan muli natin ang buong linggo ng puno ng pasasalamat at pagmamahal sa Dios. Ngayong araw ding ito ay meron na naman akong panibagong repleksyon tungkol sa isa na naman sa nakita at narinig sa isa sa mga pagtuturo ni Bro. Eli at ngayon ay sa isa pa nilang YouTube Channel na Brother Eli Channel at ang pamagat nito ay "Normal Bang Mainggit?" , isa na namang napapanahong topic na magandang pag-usapanan.

Screenshot_20230821-202654.jpg

Isa sa katangian ng tao na masasabi nating hindi talaga maganda ay ang pagka inggit dahil kapag ang isang tao ay naiinggit, merong mga pagkakataon na makakagawa ito ng hindi magandang bagay para lang makuha ang kung anong gusto niya na kung anong meron ang iba o kaya ay para malamangan ito.

Santiago 3:15-16 β€œHindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo. Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama."

Screenshot_20230821-204906.jpg

Kung ating pag usapan ang inggit, ito ay hindi galing sa Dios kundi galing ito sa kaaway ng Dios ang satanas kung kaya hindi talaga normal sa isang tao ang katangiang ito dahil ang kung ano man ang tawag o gusto ng ating laman o katawang lupa ay galing sa diablo.

Sabi pa nga ni Bro. Eli na, Yong mga bagay na nararamdaman ng tao sa lupa na labag aa kaluoban ng Dios, ay galing sa diablo, at totoo naman talaga ito dahil ang gusto lamang ng Dios ay yong mga magagandang katangian para sa atin pero kung ang ginagawa natin ay labag sa Dios, hindi na ito sa Dios kundi sa diablo.

Screenshot_20230821-205428.jpg

1 Corinto 13:4 β€œAng pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo."

Ang tangig gusto lamang ng Dios sa atin ay ang pagibig dahil kung meron tayong pag-ibig na mula sa Dios ay hinding hindi tayo magkakaron ng inggit sa isa't isa. Ayon pa sa Salita ng Dios na sa pagibig merong mapagpahinuhod at magandang loob at hindi nananaghili o ito ay inggit dahil ang pagibig ay pawang magagandang katangian lamang ang ginagawa hindi masasama.

Screenshot_20230821-210614.jpg

Sa pag-ibig lalong lalo na sa pag-ibig sa Dios at sa ating kapwa, hindi dapat magkakaroon ng inggit dahil wala namang inggit sa Dios. Kung meron man tayong pagibig sa Dios at sa ating kapwa, hinding hindi tayo magkakaron ng inggit.

Ngayon para sa aking repleksyon o aking natutunan sa topic na ito, kung tatanoning normal ba ang inggit, ayon sa Salita ng Dios, hindi talaga normal ito dahil ang ganitong katangian ay hindi galing sa Dios kundi galing sa diablo. Kung kaya kailangan tayong magkaroon ng pag-ibig, hindi pag-ibig sa tao kundi pag-ibig sa Dios dahil kung meron tayong pag-ibig sa Dios hindi hindi tayo maiingit sa ibang tao o magkakaroon ng katangiang hindi kaluob ng Dios.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Normal bang Msinggit?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
2 comments