MCGI COMMUNITY | BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON : "Paano mananatiling mahinahon kapag may problemang kinahaharap" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Hello po sa ating lahat dito sa ating pinakamamahal na MCGI Community dito sa Hive at salamat sa Dios dahil sa bawat aral na aking napakinggan at nakita lalong lalo na sa mga YouTube video na nakita ko sa MCGI Cares YouTube Channel ba yan o kaya ay sa Brother Eli Channel, talagang nakakatulong sa akin.

Ngayon nga din ay taus puso akong magpapasalamat dahil marami na naman akong natutunan mula sa ibinahaging aral ni Bro. Eli Soriano ngayon ay naibahagi niya sa Brother Eli Channel sa YouTube na nagtuturo patungkol na naman sa problema, at ang title nito ay, "Paano mananatiling mahinahon kapag may problemang kinahaharap."

Screenshot_20230902-201602.jpg

Noong nakaraan ay nagbahagi ako ng aking repleksyon tungkol sa kung paano natin lulutasin ang problema at malulutas lang natin ito sa tulong ng Dios dahil alam natin na hindi tayo bibigyan ng Dios ng problema na hindi natin kaya. Ngayon naman ang ating tatalakayin ay meron ding aral tungkol sa problema dahil tayong lahat ay merong mga problema,ang tanong ay kung paano tayo mananatiling mahinahon kung meron man tayong kinakaharap na problema.

Screenshot_20230902-204928.jpg

Sabi ni Bro. Eli na, ang pagiging mahinahon sa tuwing merong problema ay isang virtue o katangian ng isang tao pero hindi lahat ng tao ay merong ganitong mga katangian, maraming mga tao na sa gitna ng problema ay mas lalong lumalala dahil sa hindi pagiging mahinahon, at hindi nakakapag isip ng mabuti.

1 Corinto 13:4-5 β€œAng pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;"

Isa sa magandang virtue o katangian na sana tayong lahat ng mga tao ay meron nito ay ang pagibig dahil sa pagibig ay meron ding nagkakaiba-ibang virtue o katangian at atin itong mababasa sa itaas. Sinabi dito na ang pag-ibig ay hindi nayayamot, ibig sabihin nito ay mga taong madaling nagagalit o magagalitin at ang mga taong magagalitin ay hindi mahinahon kung kaya sa tuwing merong mga problemang dumarating mas lalo pang lumalaki ito dahil sa pagiging magalitin na tao, kung kaya sana ang ating ipa-iral o isa buhay natin ay pag-ibig, pag-ibig na galing sa Dios.

Roma 12:3 β€œSapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa."
Kawikaan 14:29 β€œSiyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan."

Screenshot_20230902-211647.jpg

Mabuti talaga sa isang tao ang pagkakaroon ng katangiang mahinahon dahil kapag meron tayo nito ay hindi tayo madaling magagalit, mayayamot o madaling mainis kung kaya nakakapag-isip ng mabuti. Kung ating mababasa sa Salita ng Dios, ang madaling nagagalit ay nagbubunyi ng kamangmangan. Para naman tayong walang kaalam alam nito kapag tayo ay madali lang nagagalit o naiinis kung merong mga problemang dumarating.

Screenshot_20230902-212828.jpg

Pang huli sa aking repleksyon tungkol sa topic na ito, masasabi kong kailagan talaga na magkaroon tayo ng isang virtue o katangian na pag-ibig. Dahil kung sakaling meron tayong problema sa buhay, o merong mga mangyayari na sana ay nagagalit tayo hindi tayo madaling nagagalit dahil sa pagibig ay meron tayong katangian na mahinahon, hindi tayo madaling nagagalit o umiinit ang ulo at kung mahinahon lang tayo mas madali nating na aayos ang mga problema dahil nakakapag-isip tayo ng mabuti.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Paano mananatiling mahinahon kapag may problemang kinahaharap", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments