BEATS In Norga Island: Part 2 of 3

avatar
(Edited)

png_20220118_170023_0000.png

We got invited by Gomez to eat dinner with them again. Syempre kasama ko ngayon si Kelzie at ang magpipinsang Gomez. Ganon din si Leigh.

“Nakakatuwa talaga kayong tignan, Apo. Bagay kayo ni Leigh hehe.” sabi ni lola Thiana kay Brix.

“Ah ang totoo po niy-” naputol ang sasabihin ni Brix noong tumawa si Leigh.

”Nakakatuwa naman po at support kayo sa relationship namin lola.” nakangiting sabi ni Leigh kila lola.

“Totoo ngang Island of love and hope itong Norga, hahaha.” natatawang wika ni Lolo Frank, ang lolo ko.

“Hmm, ikaw naman mahal hahaha.” natatawa na rin si lola, ganun na rin sila lolo at lola Gomez.

“Mukhang ganon na nga lolo Frank hahaha.” natatawa naman si Mac sabay tingin sa akin, at ngumiti! Nilingon siya ni Brix at nilingon niya rin ako. Tumitig sa akin si Brix...

3

2

1

3 seconds at bumitaw siya sa pagkakatitig.

Naiinis ako sa tuwing kumakalabog ang puso ko. I don't like its beat! Masyado akong kinakabahan sa tuwing magtatama ang paningin namin.

Sa kanya lang naman ako nagugulat at kinakabahan ng ganito. I don't oftenly feel this way.

“P-paano naman po naging Island of love and hope, lolo?” kinakabahan kong tanong.

Ang sabi nila, maganda daw ang kwento ng love story nila lolo at lola Gomez dito sa Norga Island. Ngayon ko lang ito narinig at ngayon ko palang malalaman ang kwento nila.

“Sige na amiga hahaha, ikaw na ang magkwento, tutal alam mo naman lahat hahaha.” natatawa si lola Thiana. Mukhang kinikilig pa. Panay din ang ngiti ni lolo Philip.

Tumitig ako kay Brix, may kung ano akong naramdaman. Bigla akong nalungkot. Hindi ko talaga alam kong bakit ganito nalang ang epekto sakin ng isang Brixton Gomez.

I never felt this way.

Ilang sandali ay nag kwento na si lola...

“Thiana is living in Norga Island. He fell in love with a guy named Philip Gomez. She got to know Philip and she became friends with him. Same as Philip he fell inlove with Thiana too. They became couples for 3 years, they are happily inlove with each other. Philip lives in London but he is filipino citizen. When they are together with Thiana, he moved in Norga Island and rented a house just to be near with Thiana. But even they love each other, it seems like they won't end up together. They broke up because of Philip's family tight tradition which is arraged marriage.

Philip bound to marry the beautiful girl from his family friend. No one in his family disobeyed this kind of marriage. He did his best to pursue his parents not to continue the wedding because he love Thiana, and not the girl from his family friend. But he was the only one who didn't agree to the wedding. The beautiful girl and his family friend agreed to the wedding. Even the girl too since she have a feelings with Philip.

But because Philip's love for Thiana is stronger, he left everything in London, their family business which his own company soon, his family and friends, he left all in London. He did everything to run away from marriage. He became successful for that plan, he went to Norga Island again and pursue Thiana's heart again. But the girl, his supposed fiance followed him. The girl witness how Philip love Thiana, they noticed how they love each other. While following Philip, he met a hot and kind guy, she became friends with him until she fell in love with him. She forgot Philip and she's happy and inlove with the beautiful kind guy. She noticed that the guy is close friend to Thiana, so it became small world to Thiana and Philip. The girl already accepted the truth that there's no wedding to happen since they both inlove with their someone.

The girl went back to London and pursued her parents not to continue the wedding. She tried hard but their parents didn't agree. Philip decided to go in London again, but with Thiana this time. The girl, help Philip to broke the wedding, they both talk to their parents. In one dinner, their parents accepted their decision but in one condition: No company and no money for them. Philip accepted it, same with the girl, they both have their own money. Their parents are both angry and disappointed with them.

Philip and Thiana went back to Norga Island again and they started a new life together again, they got married. The girl, or the ex fiance of Philip flew back to Norga Island. She came back to the guy she love. They became together too even in the simple life. They started business together until it slowly growing, they married each other and have a successful business after a years.”

Woaahhh! Manghang mangha ako sa kwento love story nila lolo at lola Gomez. Walang makakahadlang sa pag iibigan nila. Napakahirap na sitwasyon ang kinaharap nila. Gulat na gulat parin ang magpipinsan sa kwento.

Hanga din ako sa girl, yung fiance sana ni lola Philip. Nagustuhan niya si lolo Philip pero unexpectedly, she fell in love with another hot and kind guy. Woaah! Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong kwento.

Asan na kaya yung girl and guy?

“Wow, I'm so amazed!” si Mac.

“I’m so speechless, wow.” halatang namamangha din si Christan.

“But where's the girl and guy now Lola Feliz?” tanong ni Brix kay lola.

Ngumiti naman si lola.

“Philip and Thiana business are successfully grew. They are the owner of two 5 Star Hotel and Resorts at Norga Island. Because of this two couple, Norga Island became famous. And tourist are enjoying the stay in Norga Island, the island of love and hope.” pagpapatuloy ni lola Feliz.

Nakangiti parin si lola, animong kinikilig sa love story nila lola Thiana at lolo Philip.

Ngumiti si Lola Thiana.

“The girl and the guy in the story are now owned the owner of the famous amusement park in Norga Island.” - sabi ni lola Thiana.

Laglag ang panga ko gulat! Wow! So si lola Feliz at lola Philip ang nakatakdang ikasal noon. But they fell inlove with another. Wow!

Ang tibay din ng friendship nila, wow!

“Wow, Norga Island is really the island of hope and love.” nakangiting sabi ni Leigh sabay tingin kay Brix na nakatuon lamang ang tingin sa pagkain niya. Hindi man lang niya pinansin si Leigh.

Sabagay kung sa kanila, Island of love and hope ito. Pero sa akin... Mukhang wala na akong pag asa pa sa kanya.

Gosh! Ano tong iniisip ko!

“Parang kami ni Brix si lola Thiana at lolo Philip.” kinikilig na sabi ni Leigh at yumakap pa siya sa braso ni Brix!

“Leigh alam mo naman kung...”

“Excuse me.” hindi ko na itinuloy na pinakinggan ang sinasabi ni Brix. Nagtungo ako sa CR at kinalma ang sarili ko.

Ano yun? Sasabihin niyang..

‘Leigh, alam mo namang mahal na mahal kita.’ ganun ba yun?

Pagdating ko doon, kinausap ko ang sarili ko sa salamin.

This can't be, Aizle.

This can't be, self.

Pigilan mo kung anong nararamdaman mo, I know It's not normal na.

Aaminin kong...

Nasasaktan akong makita silang dalawa.

Kung paano nagparaya si lola, ganun din ang gagawin ko. I must stop this unrequited feeling.

Omaygosh. This can't be.

Iyon ang patuloy na sinasabi ng utak ko, but my heart don't want to cooperate. It's beating so fast and loud.

Naramdaman ko nalang ang pag init ng aking nga mata. At doon ko nakitang ang pagbuhos ng aking mga luha.

I fell in love with someone who love someone else.

Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko’y napakatagal ko na itong naramdaman na may gusto ako sa kanya, kahit ilang buwan lang naman kaming nagkakilala.

Hindi ko napigilan ang aking paghikbi. Nahihiya na ako sa mga taong pumapasok dito.

Nandito ako ngayon sa favorite spot ko. Buti dito at walang tao, ako lang naman ang nakakaalam dito bukod kay Brix na impossible namang pupunta dito kasi inaasikaso niya ang kanyang GF.

“Napakababaw ko, pala haha.” itinatawa ko nalang ang mabibigat na nararamdaman ko.

“This can't be.” patuloy ko paring kinukumbinsi ang sarili ko.

Patuloy din ang malakas na kalabog ng dibdib ko. I hate this feelings. I didn't felt this before. Dito lang sa Norga Island ko nararamdaman ang malakas na kalabog ng dibdib ko.

Buti nalang at may tuwalya pa ako ngayon. Eto ata talaga ang kailangan ko, trinatraydor ako ng aking mga luha.

Kinalma ko ang sarili ko at pinipigilan ang pag hikbi. Pero traydor, hindi ko magawa.

“I’m right, you're here.” dali dali akong nagpunas ng luha at hirap na hirap kong pinigilan ang paghikbi.

Anong ginagawa ng isang Brixton dito?

“What happened to you?” nag aalalang tanong niya.

Bakit pa siya nandito. Umiwas nga ako kasi hindi ko kayang makita silang dalawa, at lalong hindi ko kayang marinig mula sa kanya na sabihin sa harap ko na mahal niya si Leigh.

“Leave me alone, please.” ramdam ko ang panginginig ng boses ko.

Please leave me alone, Brix. Give me time to ease the pain inside me.

“I won't leave. Why are you crying?” nag aalalang tanong niya sa likuran ko. Hindi ko alam kong anong itsura niya ngayon kasi nakaupo ako at nakatalikod sa kanya.

Umiling ako bilang sagot.

“Please, tell me what's bothering you, Aizle.”

Umiling ulit ako, natatakot akong marinig niya akong humikbi.

“I won't leave, until you talk to me.” seryoso sabi niya.

“Pwede ba!” doon ko lang siya nilingon, wala na akong pakealam kahit makita niya akong luhaan. Kahit gabi na, kitang kita ko paring ang seryosong mga mata niya dahil sa maliwanag na mga ilaw.

“Leave. Please.“ yun lang ang sinabi ko, ramdam ko nanaman ang kalabog ng puso ko.

“Aizle, tell me. What's wrong?” humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. He wiped my tears with his thumb. I was stunned!

Mas lalo lamang akong naluha.

“Please, Brix. Bumalik ka na kay Leig-

“No. I want to hear why are you crying. Are you hurt? Where?”

Natawa nalang ako sa tanong niya.

“Im hurt, yes! But it doesn't matter to you. Only me can ease this pain so lea-”

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay niyakap na niya ako.

Traydor na mga luha! Hindi ko napigilan ang paghikbi. Basang basa na ang damit ni Brix ngayon.

“Im hurt too. I'm hurt seeing you hurt, Aizle.”

His warm hug is melting my heart.

Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya.

“Don’t come near me again, I don't want to fall again. Help me to ease this pain. Now, leav-”

Pero sa halip na matapos ang sasabihin ko ay dahan dahan niya akong niyakap. Mahigpit na yakap mula sa kanya.

“Don’t try to push me again, because I'm not leaving. I’ll stay with yo-”

Bago pa niya matapos ay nasampal ko na siya.

“Dont talk to me like that, may gf ka Brix. My gosh! Don't think about me, kaya ko ang sarili ko!”

Matapos ang gabing iyon ay nagkulong ako sa kwarto. Dalawang araw na hindi ako sumama sa sa pag bo-boating nila Kelzie kasama ang mga Gomez cousins. Tinatanong ako nila lola pero hindi ko sila sinasagot.

Pero dahil makulit si Kelzie ay dinadalaw niya ako sa bahay.

“What happened to you! Kaloka ka Aizle!”
Pagmamaktol ni Kelzie

“Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Hmp!”

“Eh bakit? Haha busy lang naman ako, tumulong ako kila lola.“ totoong tumutulong naman ako sa amusement park.

“Ang boring naman kapag wala ka. Hmm. Maganda namang kasama ang magpipinsan lalo na si Christan. Pero na oop ako kapag boys talk na.”

“Haha, ayos lang yan. Nandon naman si Leigh.” natatawa kunwaring sagot ko. Pero natigilan siya at nandilim ang paningin.

“Oh anyare sayo?“ tanong ko.

“Talagang wala kang alam huh? Hindi ka ba talaga updated?”

“Ano? Bakit ano bang nangyari? Nagpakasal na ba sila ni Brix?“

“Baliw!” sigaw niya at niyugyog ang braso ko. “Eh feelingera naman pala ang ex ni Brix na iyon, Aizle!“

“Ha? Bakit mo naman nasabi yan?“

“Ayan! Walk out pa kasi noong dinner e no? Hindi mo talaga alam ang nangyari kasi nawala ka nalang bigla! Hayst.” naiinis pang sabi niya.

“Eh ang feeling na Leigh, ex lang pala ni Brix! Hinayaan siya ni Brix na maging malapit ulit sa kanya kasi as a friend nalang talaga ang maibibigay ni Brix, bukod kasi sa mag ex sila e childhood friends pa sila. Pero dahil sumobra na si Leigh, napilitan si Brix na ipahiya siya sa dinner na iyon. Inamin ni Brixton na walang namamagitan sa kanila bukod sa pagkakaibigan.”

Laglag ang panga ko sa narinig ko! Kung hindi lang ako nag emote sa gabing iyon ay maaring nasaksihan ko pa sila.

“Hay naku Aizle, kung nakita mo lang, galit na galit si Brix noon. Sumunod siyang nag walk out at hindi na bumalik pa. Si Christan pa tuloy ang ang naghatid sa feelingerang Leigh na yun! Psh!“

“At nalalakoka hahaha, sabi ni Brix: Stop that illusion Leigh, we both know I like someone else!“ pang gagaya ni Kelzie sa tono ng pananalita ni Brix

Wait? Brix like someone else?

“Yes hijo, sundan mo lang sila sa loob. Nandon siya kasama si Kelzie.“

What!

“Ay nakakaloka ha, yung topic natin papunta dito?“ natatawang sabi Kelzie habang ako, natataranta!

“Oh Brix ikaw pala? Naku sayang naman, aalis na ako. Usap muna kayo ha, sige Aizle may aasikasuhin pa talaga ako sa bahay?“ sabay kindat sa niya sa akin.

Ano ba kasing ginagawa ni Brix dito?

“Ano?“ hinarap ko siya at inirapan. Nahihiya pa kasi ako sa pag eemote ko noong nakaraan.

“Wala, I just want to check you. How are you?”

“Okay lang, just forget what you saw the other day.“ sagot ko.

Ngumisi siya “No, I can't forget that.” nakangiti pang sabi niya.

“Ano bang problema mo? Umalis ka na lang kaya?“ inakay ko siya palabas ng pinto pero natawa lang siya.

“You’re so cute. Hahaha.” ngayon ko lang nanaman narinig yang tawa niya pero sa tuwing inaasar lang naman ako.

“Apo, don't be rude to Brixton. He's just being kind.” ani ni lola habang papasok sa pinto.

“Come here Brix, hijo, saluhan mo kaming mag lunch.” sabi ni lola at nauna na siya sa kusina.

Nilingon ko nanaman si Brix at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Nakakakilig yang ngiting yan hehe. Shemai! Baka namumula na ako dito.

“Excuse me?“ nakangiting aniya sa akin, tinignan niya ang kamay kong nakahawak parin sa braso niya. Dali dali ko itong tinanggal.

Pagkatanggal ko ay umakbay siya sa akin at ginulo ang buhok ko!

Ano ba itong pinaparamdam sa akin ng isang Brixton Gomez!

”Let’s go. Tinatawag na tayo ni Lola.” aniya at inakay akong papunta sa kusina.

Habang nasa hapag ay pinag usapan nila ang pag wawalkout ko noong nakaraang dinner. Hindi naman ako sumasagot, pero nagkampihan si lolo at Brix at sinasabi nilang nag seselos daw ako, which is true naman.

“Are you really jealous?” pabulong na tanong ni Brix habang kumakain ako.

Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy nalang ako sa pagsubo. Tch!

“Iniiwasan mo ba ako?” tanong ni Brix. Kahapon pa kasi umiiwas sa kanya, mula noong pinaratangan niya akong ‘jealous’ daw, syempre hindi kaya ng pride kong aminin kahit halata naman ata? Tch!

“Kung iniiwasan kita, hindi na ako pupunta dito.” sabi ko agad. “At tsaka, nandito lang naman ako kasi request ni Mac, uuwi na kasi siya bukas diba?”

“Hmm, kung hindi pa pala siya uuwi, hindi ka pa pupunta rito... Uhm, nevermind, i know siya ang pinunta mo dito, enjoy!” aniya at naglakad na palayo.

Hmm ewan ko sa kanya.

Nasa beach kami ngayon, malapit sa hotel. Bonfire with family and friends ang nangyari. Masayang nag kwekwentuhan ang mga matatanda. Habang kami ay nagtatawanan sa biro ni Christan, inaasar kasi niya si Kelzie at ang pikon kong kaibigan ay walang nagawa kundi maasar haha. They look so cute.

“I did'nt know, Christan is that bully?” natatawang sambit ko kay Mac, na ngayon ay tinatawanan din ang dalawa.

“Hahaha sinabi mo pa! Pikon na rin si Kelzie, tignan mo mamaya mag hahabulan na yang mga yan hahaha.” nakitawa na rin ako.

Marami kaming napagkwentuhan ni Mac Roilan, he told me about crazy things he did and I laughed at that. Nailibot ko ang paningin at nakita ko si Brix, mag isa at naka upo sa buhanginan, he’s with his drinks.

“You looks lonely and betrayed haha.” pang aasar ko sa kanya.

“Yes I am.” sabi niya, at natatawang tumingin sa payapang tubig dagat.

“Why you're here? You're with Mac instead.” dagdag pa niya, ako nga dapat mag tanong niyan e.

“Nakisalo na siya kila lola, tara na don baka hinihintay na tayo!” pang aaya ko pero hindi pa rin siya tumayo. Aalis na sana ako pero...

“Aizle you need to know something...” napatigil ako at tumingin sa kanya, ang mga mata niya’y nakatuon sa dalampasigan, ilang sandali ay tumingala siya saakin at tumitig sa mata!

But instead of saying a words, he stood up without toring his eyes in mine.

Lalong kumalabog ang dibdib ko sa kaba at pag kagulat.

Unti unti siyang naglakad palapit sa akin hanggang sa sapat na ang distansiya naming dalawa.

My heart’s beating faster and louder this time.
Seeing him infront of me made me feel nervous that only him can affect me that way.

“You...” putol ang sinabi niya dahil mukhang disappointed siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit.

“You really did'nt recognized me, huh?” mas kumunot ang noo ko sa pagtataka.

“Recognize? Bakit nag meet na ba tayo noon?” nagtataka kong tanong.

Pero sa halip na sagutin ay hinila niya ako’t tumama ang mukha ko sa dibdib niya, niyakap niya ako at ilang sandali pa bago nagsalita.

“Amusement Park. Seesaw. Beats. Norga Island. 13 years ago.”

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ko.

Isang tao lang ang naalala ko sa keywords na yan.

No! It can’t be him!

At kung siya, dapat narecognize ko agad!

“Wait...” biglang tumulo ang luho ko nang naalala kong paano nagsimula ang lahat. “You are? Toni?” nanginging ang boses ko.

“Yes, obviously baby. Brixton Neil Gomez, how come you did'nt recognize me, huh. Im sorry I lied.”

Lied?

Nanatili akong luhaan hahang nakayakap siya sa akin. Pero unti unti akong nasaktan noong naalala ang lahat.

“You really hurt me that much, that you even forgot about me, and worst, you did'nt recognized huh?” pahina ng pahina ang kanyang boses.

FLASHBACK~~~

To be continue...

jpg_20220119_063854_0000.jpg

TitleBeats In Norga Island
Genrefiction story, romance and life story
Cover PhotoEdited in Canva
Written by:@joreneagustin

Author's Note:

Norga Island is just my fictional place, It doesn't exist here in Philippines. Anyway, thank you for reading this story. And sorry if you saw some typo and grammar errors.

•••
png_20220119_065327_0000.png



0
0
0.000
3 comments
avatar

Ganda naman!It kept me hooked on reading. Galing🙂

0
0
0.000