If Only I Could Turn Back Time | fictional story by @joreneagustin

avatar
(Edited)

Add a subheading.png

Sabi nila bawat segudo ay mahalaga. Tama naman sila, kung sana nga maibabalik pa ang panahong iyon,but I could not turn back time. It's too late.

Is it too late? If i could turn back time, magiging maayos ba?Sana.

"Dont leave me like this Almira, please?" hindi na ako makatingin sa mga mata niya dahil masakit din sa akin na iwan siya. Pero kailangan kong tapusin to habang mas maaga pa,Im so sorry Brent.

"Brent please let me go. We are both too young, we're just 18!"

"18? Yes we are now 18 Mira, we're both on the legal age and I don't understand why you want to break this relationship? Mira 2 years na tayo this January, what's wrong with you? I dont understand you."

"Because I fall out of love, Brent! Mahirap bang intindihin yon?!"

That was the time I left him. I chose my family over him, over the person I love the most. I chose to leave the person I needed at my worst, and I chose to leave the person who needed me at his worst. If only I had known,and if only I could turn back the time.

"Did you find him? I'm sorry I can't" sabi ni Katie habang nag sesearch sa FB. Hindi ko na rin siya masearch. We’re still friend sa dati niyang account but hindi na ito active.

"I cant find him. Sigurado ka bang wala ka na ring update sakanya?Ikaw lang kasi mapagtatanungan ko na naiwan dito sa Pinas, Katie?"

"Noong pumunta kayo ng Canada, nakita ko siya sa Greenville..."

"Greenville?! Anong ginagawa niya don?"

"Ewan ko lang, parang nagulat pa nga noong nakita ko siya. Every summer kasi pumupunta ako don para bisitahin sina lola pero noong ikalawang dalaw ko hindi ko na siya nakit--

"Let's go, puntahan natin siya."

"Hallaa, are you sure about this, malayo yun tas hindi pa tayo sigurado na nandon siya."

"Please, I just want to check if his okay."

Ilang oras din ang biyahe mula dito hanggang Greenville. Pagdating namin ay agad naming hinanap ang house number kung saan siya nakita dati ni Katie.

"My gosh, sana naman meron te!"

Malaki ang bahay, imposibleng mag-isa niya lang dito? Maybe may GF na siya? Maybe, matagal naman na kaming hiwalay. At siguro naka move on na siya.

Parang pinipiga ang puso ko habang iniisip ang mga iyon. Ano naman sana kung may iba na siya? Ang mahalaga makita ko siyang masaya kapalit ng sakit na iniwan ko sa kanya.

Hindi naman kami natagalan sa pag dodoorbell dahil pinagbuksan agad kami ng kasambahay nila.

"Bisita ba kayo ni Brent?" nakangiting tanong ni manang.

"Opo, pwede ko po ba siyang makausap saglit?"

"Ay akala ko kasali kayo sa celebration, sige iha wait lang ha?"

"Salamat po!"

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung para saan ang kaba na ito. Basta kakausapin ko lang siya.

"Yes manang coming. Salamat po, ako na po bahala ito."

Parang ambulansiya kung makatakbo ang puso ko, pinagpawisan agad ang mga kamay ko sa boses na narinig ko. Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses. Ang matured na niya, mas tumangkad siya at gumanda ang katawan, mapupula rin ang kaniyang labi, bagay na bagay sa kanya ang suot niyang black shirt.

"A-Almira?" kalma Almira baka makalimutan mo ang sadya mo dito.

"Brent, can we talk?"

"About what Mira? I think we dont have things to talk now, after what happened?"Seryoso niya itong tanong habang pinaglalaruan ang susi sa kamay niya.

"Why you did'nt told me, na plinano pala ng mga magulang natin iyon?"

"Can you be more specific, Mira?"

"I'm talking about break up Brent, huwag ka ngang magkunwaring hindi mo alam?"

"How can I tell you if you broke up with me because you fell out of love?"

"Yes I chose my family, dahil may sakit si mama that time kelangan namin siyang ipagamot sa ibang bansa, iniwan kita dahil alam kong matatagalan kami. Gusto kong maging masaya ka at alam kong hindi ko maibibigay yun..."

Traydor na luha, unti unti na itong bumubuhos sa aking pisngi!

"Pero noong nalaman ko na kasali pala sa plano nila ang paghiwalayin tayong dalawa, doon ko na pinagsisihan ang lahat. I did everything just to come back here in Philippines."

"Nalaman ko rin na pinalayas ka ng daddy mo, sorry...dahil sakin naging mahirap ang pinagdanaan mo. Sorry Brent for leaving you, If only i could turn back time, then I would chose you."

"And I did'nt left you cause I fell out of love."

Wala na akong pakealam kung tumulo man lahat ng luha ko ngayon. Ang mahalaga humingi ako ng tawad at nasabi ko lahat. He didnt even say a word. He just stare at me while I'm talking uncomfortable.

"Hon?" isang malambing na boses ang narinig ko mula sa likuran. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata at napatingin sa likod. Napakaganda niya bagay na bagay sila ni Brent. I already expected it, Brent finally have a nice girl.

Ang sakit...

The girl smiled at me, she looks so pretty and kind.

"Let's go Hon?"

Brent did'nt say any words, he just smiled. Yeah he just smiled at me and left me standing here seeing them holding hands together.

I cant help but cry! I hate this feelings!

Tinatahan naman ako ni Katie habang palabas kami ng gate nila, I really expected him having a girl but why Im feeling so sad. Ang sakit sakit pala na makita siyang may mahal ng iba.

I need to calm myself first before we go home, ano nalang ang sasabihin ng mga makakita sa akin? Na kawawa?Haha no way!

3 steps more, makakalabas na kami dito a bahay na ito.

3
2
1

"Almira"

Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko mula sa aking likuran, mas lalo akong napaluha sa sakit na naramdaman pero mas napaluha ako sa yakap na natanggap galing sa kanya, I miss this hug.

"I'm sorry too, Almira. If only I could turn back time,I would'nt let you go. Sorry we both hurt back then, I loved you more that it broke my world when you left."

Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya. Pulang pula at luhaan din ang mga mata niya.

Gosh ano nalang sasabihin ng GF niya?

"I loved you even you broke me. But Trixie is kind and sweet, she love me and I dont want to hurt her."

"I know, somebody owns you now. Im happy for the both of you."- I said.

"Thank you, Mira. And thanks for being part of my life too, I hope you will find someone who deserve to be with you. A man who is better than me."

"Please, be happy Mira."

HOW I WISH!

If Only We Could Turn Back Time

Original story by:@joreneagustin
Title:If Only I Could turn Back Time
Genre:Fiction,Sad love story
Date published:11/15/21
Authors note:Thank you for reading my story,I hope you like it.See you on my next story.


0
0
0.000
10 comments
avatar

Nakakamiss din magbasa ng ganitong mga stories. Thank you! Sana marami pang ganitong sulat sa susunod! 🥰

0
0
0.000
avatar

Nice story telling. Naalaa ko tuloy noong high school ako, madalas ako magbasa noon ng pocketbooks. Magandang gabi.

0
0
0.000