Hindi Madali ang Pumara ng Sasakyan! [TAG/ENG]

Yo' guysuuu, so, nabasa ko yong ikatlong contest sa Tagalog Trail Community at dahil bida bida ako, kahit wala ako gaanong experience sa pagsakay sa Jeep, magsi - share pa rin ako ng chismis tungkol doon kaya lalahok ako, coz why not diba? Lol.

So ito na nga, sa totoo lang walang Jeepney dito sa'min. Diko din alam kung bakit pero ang naabutan ko lang kasi dito dati is yong multicab, for sure alam nyo din yan, basta apat din ang gulong, may maikling version at meron din namang mahabang version.

IMG_20230309_184947.jpg

Pero kahit ga'no pa kahaba yan, kapag may namataan na pasahero si manong driver, titigil at titigil yan at pipilit na ipapasiksik sa upuan, kulang nalang kumandong ka sa ibang pasahero at mag feeling juwa nong inuupuan mo para lang mag kasya.

Parang ganon din sa mga ganapan sa Jeep no? Lol. Pero mabalik tayo sa Jeep, may nababasa akong balita about sa Jeep ngayon sabay na sabay tayo sa Trend no, TP the beast talaga, ehe. So ayon na nga, may experience na din naman ako sa Jeepney.

Di man ganon karami tulad nong sa inyo pero, experience is karanasan. Ang a-kwento ko'y di lutang momints kundi yong mga takot gawin ng mga mahiyaing nilalang like me, alam nyo na, magpapara lang di pa maibuka ang bunganga. Pero pag sa halikan, eherm!

Image by Yannes Kiefer from Unsplash

So ayon, minsan mas prefer ko nalang na maglakad kesa sumakay ng kahit anong sasakyan dahil sa pag para palang, hirap ng gawin ee. Lahat nalang kinahiyaan, ito talaga ang sakit ko na diko maalis. Kaso kapag talaga kelangan, mapipilitan talaga.

Naalala ko lang nong sumakay ako papunta sa SM Lipa, maigi kamo at kusa ng silang natigil sa tabi, doon ata yong babaan at sakayan. So nakasakay ako ng matiwasay, kaso may bagong problema naman akong kinaharap. At yon nga ay ang pagbaba.

Nag tatatlong isip nga ako, yong kahit alam ko ng maraming beses akong nag practice sa isip ko, pero alam kong kapag magpa "para" na'ko, papalpak pa rin yon. At yon ang pumipigil sa'kin. What if tulad ng iba imbes na "para," ay "Paload po" ang maisigaw ko?

Di'ba nakakahiya yon? Swerte kapag may nakasabay ako kaso kapag wala, pano na? Baka naka byahe na ng Maynila yong jeep nakasakay pa rin ako. Ganito yong mga tumatakbo na scenario sa isipan ko eh. Diko nga mapigilan kasi over thinker ako.

Pero ayon nga, sa dami ng scenario na dumaan sa isipan ko, ni isa walang tumama. Diko na pala need pumara kasi doon pala talaga ang ruta. Maliban kapag di sa Mall ang destinasyon, yan, dyan ka mapipilitan na sumigaw ng "darna," ah este, "para," lol.

At ito pa, one time kasabay ko ate ko pauwi, galing kami sa palengke. Lalagpas na sana kami buti nakasigaw ako ng "para." So oo, dapat pala nabibigla ako para makasigaw lang ng "para," lol. Kasi kapag hindi kahit alam kong malapit na'ko sa destinasyon, di pa rin ako papara. At kung papara man, baka pabulong lang, aigoyahhh! ┐( ˘_˘)┌.

20220714_175943_0000-removebg-preview.png

Yo' guys, so I read about the 3rd contest in Tagalog Trail Communities. And even if I have little experience riding a jeepney, I will still join, because why not? Lol.

So, the truth is, Jeepney is not one of a transportation vehicle here in our place. We only have tricycle or a multicab. It is also four wheels with short and long version.
But even if it has a long version, when the driver spots a commuter, he will still pick them up even if there's no space anymore. That's how bloody it is for every commuter.

IMG_20230309_184947.jpg

just like what happens when you ride in a Jeep. By the way, Jeepney topics are on trend today. There are some circumstances about it that people are making noise about.
So anyways, my experience with it is not that much like yours, but experience is still experience. But this is not about my "Lutang" moments but rather the things I am too shy to do while riding on a Jeepney.

To be honest, I prefer to just walk, no matter how far the destination is, than to ride any vehicles. I am too shy to even say "para" or "stop" when I want to get out of the car as I have already reached my destination.

I remember when I rode a jeepney to get to SM Lipa. It's a good thing that I don't need to call them just so I can ride. They will just stop at the sidewalk to pick up some passengers. The only problem I have is when I have to get out of the car. How am I going to say "stop" if I am too shy to say it?

Image by Yannes Kiefer from Unsplash

I am thinking thrice if how I should do it. Because even if I practiced it in my head a lot of times, I know that I will still fail at executing the plan. What if, instead of saying "stop," I said other words? This is what's been running through my head for the whole duration of that trip.

It is embarrassing if I say another word instead of "stop." Lucky if someone has the same destination as mine, but what if not? We already passed by my destination, but here I am still at the jeepney. I can't get out just because I am too shy to even utter a word. I am an overthinker that is why I always think of the worse possible scenario.

But after all the overthinking, none of my thoughts ever happen. Because the real destination of that Jeep was SM Lipa. So, it's like I got worried over nothing, lol. But that whole travel is really a nerve wracking experience to me. I am not sure if I will ever get used to riding a jeepney or any public transportation. This is the reason why I am afraid to ride any vehicle that's not ours.

And one more thing, this is a other experience on riding in a Jeepney. I was with my late sister to buy thing in the Market. Going home, we decide to ride a Jeep; that's 8 PHP each, I think. I really didn't notice it immediately but when I look at the window we already pass by to my sister's apartment, so what I did is, I shout on impulse: I said, "stop." I got startled, lol.

So yep, for me to be able to get out of the car without being shy, I should be startled first. That's when I can have the courage to say it, lol. Aigoyahhh! Lol. ┐( ˘_˘)┌



0
0
0.000
21 comments
avatar

Hahaha good job sa gulat factor. Haha. Nakapara ka bigla.😆

0
0
0.000
avatar

Hahaha dapat talaga ginugulat muna ee hahaha. Pero kapag hindi ay naku di talaga ako papara. Kapag kasama ko ate ko sya lagi ang tagasabi ng "sa tabi lang po." Haha

0
0
0.000
avatar

Ganun din ako minsan nag aalanganin magpapara..ginagawa ko nlng yung itoktok yung coin sa metal bar 😅. Alams na ni driver yun..

0
0
0.000
avatar

Ay oo nga may gumagawa din ng ganyan minsan na kasabayan ko. Mas maganda nga ano dimo na need mag talk.

0
0
0.000
avatar

Feeling ko mas masaya mag lakad basta ikaw kasama ko sa strolling kesa sumakay ng Jeepney hehehe.

~~Panay ka kasi pa load ihh tandaan mo lagi pag sa heep, either bayad po eh para po ang laging term. 😂😂

0
0
0.000
avatar

HAHAHAHAHA, naku mayayamot kalang sakin. Yong kapag may gustong bilhin sa daan kaso mo nahihiyang mag pabili po jajaja.

Hahahaha ambot lang talaga

0
0
0.000
avatar

Hahah yung wpito lng capacity ng upuan tapos sasabihin ng driver na walohan. Super relate ako sa multicab na yan.

Hahah sa sobrang mahiyain mo buti di ka nauwi ng driver. 😄

0
0
0.000
avatar

Hahaha kamo pinag sasampu pa nga haha porkey malapit lang yony bababaan nong iba aguyy

Lagi naman ako may kasama kapag wala naman, sasabay lang na makikibaba or kaya yong kakilala namin ang nasasakyan ko

0
0
0.000
avatar

HAHAHHA mahiyain yan. Yung paload di ko pa nasasabi yan pero ang maghanap ng sukli kahit di pa bayad yes na yes hahaha.

Multicab nako ang sikip sikip nyan. Sinusumpa ko ang pagsakay ko dyan lagi at kapag ako ang huling nasakay eh ipit na ipit ang hita ko at nagpapandikit ang tuhod ko sa kaharap ko. Basta di kumportable, okay lang kung mga ka close mo ang nandun sige Ultimate Bonding Experience tayo sa multi pero hindi random strangers, namamalengke o kaya naman ay galing ng palengke.

0
0
0.000
avatar

Ay hala, totoo? Eh binigyan kaba ng sukli tp? O hindi? 😅

0
0
0.000
avatar

Hibdi pa naman, madalas naaalala ko na di pa ako bayad.

0
0
0.000
avatar

Hahahaha, ay ano pa. Maliit din kasi ang multicab re kaya malala talaga ang pagkakadikit dikit dun. Halos magkaamuyan na kayo ng hininga ng kaharap mo taeng yan. Kaso wala ee, sa van kasi mejo mahal. Kaya yan talaga ang sakayan before. Maigi nga at naalis na yaan. Napalitan na ng bago, mas malaki tas de aircon pa uwu

0
0
0.000
avatar

Naku sis @ruffatotmeee my phobia na ata sumakay Ng dyip sis. Lalu na Sa Maynila grabe kasi magpatakbo yung mga driver doon.

0
0
0.000
avatar

Hahaha ay oo yan pa, na experience ko yan sa batangas bigla nalang bagang titigil abay halos lumipad ako pauna gawa ng biglang naga preno. Kapag di kumapit ng igi talaga malilipad ka sa unahan baka nga sa backseat kapa mapapunta hahahanep

0
0
0.000
avatar

Hahaha, mga ganitong post gusto ko yung napapatawa ako at diko namamalayan na natapos at parang gusto ko pa magbasa ng mahaba. 😅

alam nyo na, magpapara lang di pa maibuka ang bunganga. Pero pag sa halikan, eherm!

Hahaha🤣🤣🤣🤣. Dami tawa ko dito.

Buti nalang nauso ang blog na sulat lang, kundi diko malalaman ang side mong ito na patawa Ruffa. 😁 Mahiyain pa yan ha.

At tama, minsan pag nagugulat tayu dun lumalabas boses. Same with me. 🤣😅

0
0
0.000
avatar

HAHAHAHA yiehhh.

Hahaha mahiyain ako sa personal pero sa virtual world hindi. Kaya ko pang kapalan face ko here coz di nyo ko nakikita 😆🙈🙈

0
0
0.000
avatar

Hehhe ganyan na ganayaan ako nung unang araw ko sa college sa city Ate hehehhe. But thanks God kasi na-overcpme ko nmna yung pagiging mahiyain ko. And yung pagsakay sa jeep ng sobrang sikip, tapos kahit masikip na nga magpapasakay pa si manong driver heheh.

0
0
0.000
avatar

Aguyyy, maigi at naovercome mo nga, kamusta naman ako huhu

0
0
0.000
avatar

Wow I didn't take you as a really shy person. Good time impulse stop though,lol . Being shy does not affect your sense of humor though.

0
0
0.000
avatar

Hahaha as in I am really a shy person. I always feel like hiding whenever there's a lot of people in the crowd, can't really help it. Haha

0
0
0.000