REPLIKSYON ni diosarich [Orihinal na Tula]

avatar
(Edited)

flowers white  waterlily or lotus.jpg

REPLIKSYON

Ang tanging hiling ko sa iyo
Ay ang munting pagsalarawan ng lahat
Mga salitang inipon na kaunting hawig
Sa matinding sakit na nararamdaman ko
Ang pagguhit sa naglaho kong pag-asa

Ang tangi kong maihahandog sa iyo
Ay ang pasakit at kaligayahang
Iyong mararamdaman sa pag-ulit ng pluma
Kong putol na at ang pagpinta ng kahapon
Tulad ng mga luha kong dumadaloy sa pisngi

Dahil ang pluma kong bali na
Ay nagiging bukid ng aking paghahanap
Dahil doon kita pinitas sa maitim
Na ulap at nanangis na kulog at kidlat
Na bunga ng aking pagbulay-bulay

Pagbubulay-bulay na parang dagliang napukol
Bagyo na pumailalim at lumikot sa aking damdamin
Tulad ng babaeng magsisilang ng sanggol naramdaman ang sakit
Doon sa pugad na pinamamahayan ng aking mga panaginip
Umusbong ang pagibig na hamak, dahil kulang sa pluma

Nang ipunin ko na ang mga kasagutan,
Sa pagtangis ng langit dala ng sama ng panahon
Pumalaot ako sakay sa sasakyan ng buhay
Umaasang magkaroon ng pag-asa na dumaong sa baybayin
Ngunit ipinadpad sa mga malulupit na alon sa pulo ng mga inaayawan

Ngunit isang hapon na labis na tahimik
Ang araw ay nakasuot ng isang damit ng kadiliman
Duon sa kubo, nagiisa akong nagmumunimuni sa mga nagdaang taon
Habang pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan
Lumitaw ang liwanag ng buwan nahugasan ang dilim ng gabi

Ako ang nilalalang na iyong pinagtaksilan
Ngunit nabuhay ang pag-asa ng pusong sugatan
Na naghihirap at nagtitiis sa parusa ng mga mandaraya
Mga paa'y itinatayo at inilakad sa daang matinik
Lumakad palayo sa lugar ng isang taksil at huwad
Upang mamuhay ng tahimik malayo sa kuko ng kadiliman

Tulang Orihinal ni @diosarich



☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆


☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆



0
0
0.000
14 comments
avatar

Napakaganda ng iyong likha binibining @diosarich. Ang panulat na may damdamin.

0
0
0.000
avatar

salamat sa iyo @pilipino. yan muna ang kontribyusyon ko sa ngayon. pagsumikapan kong makalikha ng tula araw-araw

0
0
0.000
avatar

Bakit may tinik? Bunutin mo ang malaking tinik na nagbabalabag sa iyong daanan para maiwasan ang tinik.
Galing mo nman bininining kay ganda dyosa ng davao.

0
0
0.000
avatar

Hindi mo maaring basta alisin ang tinik sa daraanan kapatid. Mahahawi mo lang ito at maisantabi. Ganyan ang buhay laging magkasama ang tinik at maaliwalas na daanan. Salamat sa iyong pagdaan sa aking "post" 😘

0
0
0.000
avatar

Patuloy lang ang buhay, tingnan mo ang ganda ng rosas kahit matinik, nangingibabaw ang ganda into ganyan din ang buhay.

0
0
0.000
avatar

Tama ka kapatid kahit matinik ang rosas, naisin mo pa rin itong makamit. Ganyan din ang buhay, kahit maramik tinik at balakid sa daraanan pagsusumikapan mong marating ang tagumpay.

0
0
0.000
avatar

Sinasabi nila na ang saya ay may katumbas na lungkot . Ganon ata ang pag-ibig. May saya, may lungkot...

0
0
0.000
avatar

Sadyang ganyan ang pag-ibig kapatid. sa English "it is not just a bed of roses" Hindi mo maramdaman ang pag-ibig kapag alang kaakibat na pasakit.

0
0
0.000
avatar

Grabe talagang ang heavy ng love na yan oy...nice one poet @diosarich

0
0
0.000
avatar

hehehe..may hugot daw! Salamat kapatid. Ibahagi mo rin ang iyong HAIKU.

0
0
0.000
avatar

Ang galing! Mapa english o pilipino . Makatang @diosarich

0
0
0.000
avatar

Salamat kapatid. Yan lang ang munti kong maibahagi ng aking talento, ang paglikha ng mga tula.

0
0
0.000
avatar

Ang ganda! Tuloy-tuloy sana ang biyaya dito dahil 50/50 lang ang curation rewards.

0
0
0.000
avatar

Salamat sa pagbisita. Tuloy lang ang biyaya basta ibbahagi rin ito sa iba.

0
0
0.000