UHAW ni @diosarich [Simpleng Tulang Orihinal]

avatar

image.png

UHAW

Mabuti pa ang artista hinahangaan mo
Ako, di mo na inuusal ang paghanga mo sakin
Mabuti pa ang bituin, tinatanaw mo
Ako, ni minsan di man lang masulyapan
Mabuti pa ang aso hinahalikan mo
Ako, wala kahit palipad-halik
Mabuti pa ang cell phone lagi mong tangan
Ako, di man lang maipagbitbit ng gamit
Mabuti pa ang laptop lagi mong kaharap
Ako, di mo man lang maharap
Mabuti pa ang TV pinapanuod mo ang palabas
Ako, di mo man lang tinitingnan kapag dumaan sa harap mo
Mabuti pa ang sasabungin kayakap mo
Ako, kahit panay pa-charming ko di mo na niyayakap
Mabuti pa ang pusa nilalambing mo
Ako, di mo man lang malambing
Mabuti pa ang bulaklak inaamoy mo
Ako, kahit amoy bagong paligo dedma ka!
Mabuti pa ang mga halaman dinidiligan mo
Ako, kulang na sa dilig!

Tulang Orihinal ni @diosarich



☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆


☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆



0
0
0.000
15 comments
avatar
(Edited)

Oo nga Naman...buti pa sila. Ako'y natatawa sa huling linya ng iyong tula kaibigan nguni't ito ay sadyang tunay sa tutuong buhay. Kaya sa may mga minahal dyan, mag- isip-isip na.

0
0
0.000
avatar

Lablab pa more, sana bumuhos ang bagyo at ulan sa pagmamahalan at may darating na magdidilig sa natuyong damdamin ng ating kaibigan. Diosa ng davao.

0
0
0.000
avatar

Ayoko naman ng bagyo sister @olivia08, nakakapinsala naman yun. katamtamang buhos ng ulan lamang para makapagdilig.

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Hirap niyan sister @sarimanok, di ka na nadiligan, di ka pa pansin kahit sulyap man lang...hahaaay!

0
0
0.000
avatar

Diyata't ang iyong angking kagandahan ay di man lang pansin aking kaibigan. Kailangan yata ng isang gayuma mapansin ka lamang...

0
0
0.000
avatar

Hahaha.. Di na kailangan ng gayuma sister. ang tao kapag napahiya, PRIDE ang umiiral. Yan ang NATURALEZA sa tao.

0
0
0.000
avatar

Magpaulan para madiligan. Para di tagtuyot.

Kagandang tula eh. Buti pa...

0
0
0.000
avatar

Salamat po at nagustuhan nyo ang aking munti at simpleng tula.

0
0
0.000
avatar

Mabuti pa sila... nice ng Tula mo nakakarelate.

0
0
0.000